1. What is the OWWA eCard?

The OWWA eCard is proof of active membership with OWWA, designed to facilitate easier access to OWWA programs and services. It is also recognized as a government-issued ID and can be presented at any Migrant Workers Office (MWO), embassy, or consulate abroad when assistance or services are needed.

2. Who can apply for the OWWA eCard?

All Overseas Filipino Workers with an active OWWA membership, a valid passport and proof of OWWA membership are eligible to apply for the OFW eCard.

3. WHAT ARE THE BENEFITS OF OWWA ECARD?

The OWWA eCard provides various benefits for active OWWA members, including:

– Faster access to OWWA programs and services.

– Serves as an exit clearance for departing the country.

– Digital OWWA eCard available through the OWWA Mobile App, which functions like the physical card.

– Permanent OWWA/OFW membership number.

– Recognized as a government-issued identification card.

4. How can I check the status of my OWWA membership?

To check your OWWA membership status, you can download the OWWA Mobile App on your smartphone. It is free on Google Play and the App Store.

5. Where can I renew my expired OWWA membership?

Visit any OWWA Regional Welfare Office or OWWA satellite offices located at DMW Ortigas, NAIA Terminal 1, or Terminal 3.

6. What should I do if I lose my OWWA eCard?

The first issuance of the OWWA eCard is free. For a replacement, contact the nearest OWWA Regional Welfare Office for information on how to obtain a new OWWA eCard.

1. Ano ang OWWA ecard?

Ang OWWA ecard ay katibayan ng pagiging active member ng OWWA na naglalayong mapabilis ang pag-access sa mga programa at serbisyo ng OWWA. Ito rin ay kinikilalang government-issued ID at maaring iprisinta sa anumang Migrants Workers Office (MWO) at embahada o konsulado sa ibang bansa sa sandaling mangailangan ng tulong o serbisyo.

2. Sino ang pwedeng mag-apply para sa OWWA ecard?

Ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) na may aktibong pagiging miyembro sa OWWA, na may valid passport, at proof of membership ay maaaring mag-apply para sa OFW eCard.

3. Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa OWWA gamit ang OWWA ecard?

Ang OWWA ecard ay mayroong iba’t-ibang benepisyo para sa mga active OWWA member, katulad ng mga sumusunod:

– Mas mabilis na pag-avail sa mga programa at serbisyo ng OWWA

– Magsisilbing exit clearance palabas ng bansa

– Pagkakaroon ng Digital OWWA ecard sa OWWA Mobile App na maaring gamitin tulad din ng OWWA ecard

– Pagkakaroon ng permanenteng OWWA / OFW membership number

– Kinikilalang government-issued Identification Card

4. Paano ko malalaman ang status ng aking OWWA Membership?

Para malaman ang status ng OWWA membership, maari ninyong i-download ang OWWA Mobile App sa inyong smart phone. Libre ito sa Google Play at App Store.

5. Kung expired na ang aking OWWA membership, saan ako pwedeng mag renew?

Pumunta sa OWWA Regional Welfare Offices at sa mga satellite offices ng OWWA na matatagpuan sa DMW Ortigas, NAIA Terminal 1 at 3.

6. Paano kapag nawala ang aking OWWA ecard?

Ang OWWA ecard ay libre lang sa unang pagkuha. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na OWWA Regional Welfare Office para sa impormasyon kung paano makakuha ng panibagong OWWA ecard.